Tungkol sa mga Downloadables
Dahil determinado ang Antares Programming na mag-provide ng de-kalidad na mga ICT educational materials sa wikang Filipino, kasama na sa features ng Antares Blog (as of v.3.0.0) ang mga files na puwedeng ma-download para magamit mo offline. Kasama rito ang mga PDF versions ng mga artikulo sa Antares Blog, mga resources na mula sa iba’t ibang references, mga Filipino text at video tutorials, at marami pang iba.
Kaya lang, kailangan ng oras para makagawa ng mga materials. At kailangan ng mas maraming oras para makagawa ng mga de-kalidad na materials. Dahil dito, hindi agad-agad na magkakaroon ng mga educational materials dito. Pero ang magandang balita ay ito: maia-upload agad sa page na ito ang lahat ng mga resources agad-agad pagkatapos nilang maihanda.
Masaya ang Antares Programming na tumulong sa inyo sa pag-aaral n’yo ng Web development. Pero ang mga ito ay nangangailangan ng oras at pera. Kaya naman masaya naming tatanggapin ang anumang tulong na gusto ninyong ibigay. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mga detalye ng pagtulong sa amin.