Fetch API Revisited
Balikan natin ang Fetch API, ngayon bilang isang series.
Last year, nag-publish ako ng dalawang article tungkol sa Fetch API, ang GET at POST Method articles. Naging okay naman ang reception para sa mga article na iyon. Pero kung titingnang mabuti, hindi na iyon kasing-high quality na gaya ng gusto kong ma-achieve. Kaya uulitin natin ang mga article na iyon.
Sa series na ito, tatalakayin natin nang mas detalyado ang Fetch API. Lahat ng pasikot-sikot susubukan nating pasukin. At kung maaari, susubukin din nating tumalakay nang kaunting back-end.
Ang mga isusulat sa series na ito ay isang paraan lang ng paggamit ng Fetch API. Hindi guaranteed na ito na ang pinakamahusay na paraan kung paano gawin ang mga bagay na tinatalakay sa mga article na ito. Kung may alam kang mas magandang way, ‘wag kang mahiyang kontakin ang Antares Programming.
Mga Article sa Series na Ito
- Fetch API Overview Sa unang article sa Fetch API series, tingnan natin ang kabuuan ng Fetch API at kung ano ang puwede nating magawa gamit ito.
- Create at Read Operations Gamit ang Fetch API Sa ikalawang article, tingnan natin kung paano gagamitin ang Fetch API para makagawa ng simpleng application na nagri-read at create ng resource.
- Sa ikatlong article, talakayin natin kung paano natin puwedeng gamitin ang Fetch API para mag-update at delete ng content.