May Dark Mode na ang Antares
Simula January 9, 2019, may dark mode na ang Antares Blog.
Hindi naman ‘to masyadong malaking pagbabago, at wala namang nagre-request nito. Pero dahil nga ako ang madalas na tumatambay sa site na ito dahil sa mga nilalabas kong content, napansin kong maganda kung may dark mode din kasi sumasakit na rin minsan ang mga mata ko habang nagsusulat.
Sa site na ito, makikita n’yo sa navigation bar ang crescent moon icon. Iyon ang magta-toggle ng dark mode sa site na ito. Mapapansin din na kahit ilang beses i-refresh ang pages, naka-dark mode pa rin ito. Sine-save kasi ng site ang dark mode preference mo sa localStorage
ng browser mo. Siyempre, kapag nag-clear data ka, babalik sa light mode ang site.
Again, bukas ulit ang Antares sa feedback n’yo. Kaya mag-iwan lang ng comment sa feedback sidebar na nasa page na ito. Ilagay lang ang mga comment n’yo tungkol sa overall design, choice of colors, etc. sa field na “Bakit ito ang rating mo?”