Mula sa Interwebz
Matuto pa lalo mula sa mga blog posts, videos, at iba pa mula sa ibang bahagi ng World Wide Web.
Simula sa susunod na linggo, January 14, 2019, may lilitaw nang seksiyon sa footer ng Antares Blog. Ang seksiyon na ito ay tatawaging “Mula sa Interwebz”
Baka maisip mo, ano na namang pakana iyan? Siyempre naman, lahat ng naisusulat ko rito, galing din sa ibang mga posts at videos na gawa ng mga ekspertong gaya nina Chris Coyier, Rachel Andrew, Jen Simmons, Jeffrey Zeldman, at iba pa. Kaya naman, para mas mabilis makarating sa inyo ang impormasyon, puwedeng kayo na mismo ang tumingin mula sa mga blogs at videos nila.
Sa Mula sa Interwebz, magkakaroon ng mga links papunta sa mga posts, videos, tweets, graphics, at iba pa na makakatulong nang malaki sa ating lahat. Magkakaroon ng bagong ganito kada dalawang linggo, o mas madalas pa.
Mas maganda kung ipa-follow mo na sila sa lahat ng social media accounts na mayro’n sila. Hindi naman laging sagana sa content ang Antares, kaya dapat marunong na rin tayong humanap ng sites kung saan tayo lalong matututo (especially sa mga bagay na gusto nating aralin dahil apparently puro tungkol sa Web platform ang pino-post ni Francis sa Antares Blog).
Habang papalapit tayo nang papalapit sa kalagitnaan ng 2019, lalo pang darami ang features ng Antares Blog. Dahil ganiyan ko kayo kamahal 🤣🤣🤣. Huwag kalimutang ikuwento sa mga kakilala mo ang Antares Blog. Hindi naman kailangang laging magbasa sa Blog na ‘to dahil lagi ring may bagong posts sa Facebook page ng Antares Programming. Salamat sa suporta ng 77 at dumarami pang likers ng Antares Programming!